Home > Ala Lang > Plastik,Planggana at iba pa!

Plastik,Planggana at iba pa!

germanys_next_topmodel_22_tessa_303_404_prosieben___oliver_s.jpg

photo source

Ang plastik mo! Hindi ka totoo!Sobra at ang OA OA mo! yan ang sabi ng mga juror ng Germany’s Next Top Model na sina Heidi,Peyman at Rolf kay Tessa(sa itaas)isa sa mga kandita.Ay syempre pa,napaiyak ang Tessa! at napangiti naman ako hahaha 

Naisip ko lang,kung tayo nga kaya pagsabihan na ang plastik plastik mo!fake fake mo!Ang planggana mo!hindi ka totoo! Yung harap harapan ba! siguro mapapaiyak din ako o hindi naman kaya magagalit sa taong magsasabi nito!Palagay mo, ano iyong magiging reaksyon?Magagalit o maiiyak? Marami akong naging kakilala at yung iba naging kaibigan ko pa,na ka plastik plastik ba!plastik na tupperware pa! hehe Hindi mo pa alam, galit na pala sa iyo! tapos sasaksakin ka pa patalikod.May tao ring hilig hilig mag sinungaling,yung ginagawang tanga ang kausap!Nakakairita! Pero syempre,ayaw nating lahat makipag away at kasamaan ng loob kaya pinapalagpas na lamang natin ang mga ganito.Pero ano nga kaya kung tayong lahat eh, pranka at magpakatotoo!? Mananatili kayang kaibigan ang kaibigan? Pwede bang maging pranka tayo na walang samaan ng loob? Yung tipong masasabi natin ang lahat,ating hinanakit at opinyon? Palagay mo? hindi kasi ako mapalagay :)

Categories: Ala Lang Tags:
  1. March 6th, 2009 at 15:26 | #1

    uy,una ako dito!yay!

  2. March 6th, 2009 at 15:29 | #2

    hay naku Cheh,bakit nga kaya may mga taong sobra ang arte sa katawan pero punung puno naman ng kaplastikan?may kaibigan akong ganyan dito…pati sa blog nya,kung anu anong “kataasan” pero if I know….minsan,di ko na matake,hehe..

    ay,may tagalog post din ako,Cheh!puro kikay lang din ang laman,hehe…dalaw ka pag kaya mo,LOL!

  3. March 7th, 2009 at 19:32 | #3

    hahaha, welkam sa tagalog the mundo :D

  4. March 8th, 2009 at 04:51 | #4

    May mga kaibigan akong ganun, hahaha. Kapag wala silang mahagilap na prends, ako ang kakaladkarin, yun bang 2nd-rater lang?

    I don’t mind naman kasi kaladkarin din naman ako. Pag sinabi mo namanag “ayaw ko”, para ma-feel naman nilang plastik sila, sasabihin nila, “arte arte mo”, “ganyan ka sobrang others ka na” yung mga ganun.

    Ahh leche.

  5. March 8th, 2009 at 21:27 | #5

    Ghee: Naaliw ako mamuah at naimbita mo ako sa iyong tagalog blog,na link ko na :)

    Laki na ng baby ally mo! Dalaga na! ambilis nilang magsilaki ano?

    at planggana nga! dami mga plastik sa mundo at ang titibay nila ha! hehe

    Kengkay:Salamat mi kengs! hehe na inspire nyo ako ni K! ;)sarap nga noh! derederetso tayping :D

    K:Ay lechogas talaga! hahaha! dapat nga ata sa mga iyan eh pinaplastik na rin,plastikan na lang ganun! lol

  1. No trackbacks yet.