German Idol?
Oh my! oh my! nanonood ka niyan? ang toopid toopid ng show na yan! ang idyot idyot ni Bohlen.Ewwwww! ewww! yan po sabi ng aking alimangong asawa kagabi habang ako’y namamalantsa ng mga damit nya habang sya naman eh tumititig sa kanyang laptop,ala akong ideya kung ano pinag ka bibizihan nya sa kanyang laptop baka mga yung babaing tatlo tatlo suso,lol.Maski medyo may kalayuan sya,naririnig nya kung ano ang palabas sa tv maski hindi nya ito nakikita.Inaasar nya ako,kesyo ang bobo daw ng show,kesyo toopid daw at untalented naman mga kandidato.Nagbibiro lang sya sympre at nang aasar! sabi ko lumipat sya sa may hallway o kusina o hindi naman kaya punta sya sa kuarto.Abaw! ayaw naman umalis! sadyang nang aasar lang! Grrr! Sabi ko,may half pinoy na kasali.Tumahimik,sabi lang kawawang bata! hahaha Kala kasi nya ganun pa rin ang siste ng DSDS tulad noong 2003 ata yun na may pinay pumasok sa top 10 na juiceme ha!alang boses! este hindi naman sintonado kaso parang ako sya kung kumanta,magaling galing pa nga ata ako nyahaha seksi at iba ang dating ng beauty nya kaya naboboto ng tao. Yung kaibigan ko pa sa Istanbul ang nagbigay ng tip na may pinay daw na kasali sa german idol,panoorin ko raw! kaya na curious kami ni long nose.Doon sya nag karoon ng impresyon sa konsepto ng palabas! ang toopid daw! Bahala sya basta manonood ako hahaha Noong narinig nya kumanta si Marc at yung ibang magagaling kagabi,napa tango ang alimango hehe
anyways highways heto yung vid ng half pinoy na si Marc. Paki klik nyo ito o!
Translate naman kasi nila yung site anoh?
Wala akong ma intindihan sprakenaitzsen!
Ka-asar.
K: hehe mahirap nga tigas bibigkasin salita nila,kala ko nga similar sya sa english,kala ko lang yun,kala ko puro may n salita nila,kala ko rin lang yun.Lahat mali akala ko syemper
naku ako nirerecord ko ang show, at pinanonood ko ng wala si BOssing, lagi nya rin kasi akong inookray =P