Nag bizi bizihan ka na naman?
Lam ko,maski hindi nyo sabihin,nagsawa na kayo sa aking drama na kesyo bizi si moi here & there,na kesyo may sakit mga kuto,na kesyo dami dami kong lisa kumakati sa aking ulo at kung ano anu ek ekyuses sa hindi pag blag.Bat ba? bat ba ako guilty? lol
Pero teka,ano nga bang pinag ka bizi bizihan ko bukod sa mga kuto these days? ala naman masyado bukod sa paghahanda ko ng mga gamit na ibebenta ko sa ukay ukay ng mga bata. Dito kasi alemanya nauuso yang ganyang ukay ukay,bukod yung petsa para sa mga bata syempre,minsan pinagsasabay na rin.Pede kang mag benta ng mga laruan,damit,mga libro at kung anu ano pang mga anik anik na pede pakikinabangan ng iba.Dito sa aming baryo, ang nag papakana yung mayor mismo.Ibibigay mo yung gamit sa kanila,tapos sila na yung magbebenta may 10% sila sa kita.Ganitong resesyones ang planeta,dapat mag tipid at wag magtapon.Mga ilang taon din akong nagtatapon ng gamit ng mga bata na naka tambay lang sa basement,yung iba naibigay sa mga kaibigan,yung iba na pa balikbayan box.Ngayon taong to,magbebenta ako.Ang bigayan ng gamit ay sa martes na, sa miyerkoles naman yung ukay ukay (flohmarkt) mismo tapos gets mo na yung moolah sa huwebes.Maski papaano hindi ako masyadong magagastosan,kung mamili man ako, ng bagong second hand? hehe Plano ko ngang mag benta rin sa ebay.Pinag isipan ko pa,layo kasi ng post office dito. Haay ala ng arte arte sa panahong ito! nag didilim ekonomiya kaya pwede ba ha! paki baba kilay! hehe
wala kami nyang su-bash-ta sale sa kalsada pero nauso sya nung mga 1997, yung time ng Handover ng Brits to Chekwa, naku ang mag expats, nakakatuwa.
Speaking of bentahan, padala mo na lang yung iba sa Pinas, ginawa yan ng Nanay kong freelancer hahaha, free dahil gusto nia bigay nya yung mga old shoes namin sa mga taga barrio pero may kapalit, isang sakong kamote. Probinsya eh, kaya feeling nya artista sya.
Free spirited kasi pero di ako nag mana kaya NO WAY akong magbenta ng LV ko (kung meron man).
K: Dami kong nabiling mga games para sa mga bata, tig 1 euro lang pag lumalagpas na ng tig limang oyro ,isnab ko na sya hehe
Nag send na ako ng box sa atin,kadalasan mga pang summer t shirt at blouses,pinambalot ko sa mga mabibiak,bihira lang ako magpadala ng luma kasi sayang naman yung pang shipment ko, 114 euro din tapos mga shitty lang laman,minsan naisip ko mas gustuhin pa siguro ng mga nasa pinas pera na lang da ba? Madalas pag kain na wala sa Pinas pinapadala ko,syempre may may lumang camera at kung anu anong anik anik na hindi ko o ni papa kuto na ginagamit aking sinisilid din,pagkain gusto palibhasa matatakaw kasi nakaabang doon hehe