Winnenden
Siguro na balitaan nyo na yung kahimbal himbal na nangyari sa eskwelahan ng Winnenden na ang 17 taong gulang na binatilyo pinagpapatay ang mga estudyante sa dati nyang eskwelahan.
Si papa kuto taga Stuttgart at malapit lang itong lugar na ito sa bahay ng aking biyanan.Lahat nagulantang sa balitang ito,sino naman kasi makapag sabi na sang normal na bata ang gagawa ng ganyan,sinisisi nila ang mga magulang ng bata, sa pagpapabaya daw,baka daw kasi kulang sa atensyon ang bata.Kagabi ito ang naging tema ng aming usapan ni papa kuto.Marami daw sa mga kaibigan nya at kaklase sa Unibersidad nakatira sa Winnenden. Ang kwento pa ni mister na ang Winnenden daw ay lugar na parang Mandaluyong sa atin,kasi may malaking ospital o klinik ito sa mga baliw,pag nag bibiroan daw,madalas yung sasabihin na.Dapat pumunta ka na sa Winnenden.Parang sa atin sa Pinas,dapat sa iyo sa Mandaluyong!lol
Hindi pa rin nila masasagot kung ano ang motibo at bakit halos lahat ng pinatay eh mga babae.Abangan na lang natin ang resulta ng imbistigasyon tungkol sa motibo.
i was reading it at work at shocked akooooooooooooooo!!!!!!!
mama cheh, taga LOOB pala ang salarin ng amok, taga LOOB ng Winnenden har har har…pero siryus na usapan, kakatakot ito para sa mga estudyante….maiba ako, got it yesterday!!!SALAMAT NG MARAMI, mwah!!!mwah!!mwah!!!