Home > Litratong Pinoy > Litratong Pinoy: sapatos

Litratong Pinoy: sapatos

lp.png

Kumusta mga kapatid? sensyahan nyo na at ngayon lang ulet ako nakakuha ng oras mag sulat dito sa aking e-kubo kubo.Nag bizi bizihan naman! :) Heto nga pala ang aking lahok sa linggong ito,medyo humabol sa temang sapatos.Paboritong tema ng mga babae! aminin:) Mahilig ako sa sapatos at mahilig rin akong bumili at mahilig rin ako mamigay,alang biro! Pag hindi ko na gusto,inaalok ko ito sa mga kamag anakan o hindi naman kaya sa kaibigan.Noong una,nag alangan pa ako mang alok sa kaibigan pero noong nalaman nila na ugali ko na magtapon,pagsabihan ko raw muna sila bago pabigla bigla,sayang daw! (kapag nalaman ng asawa ko ito na ganito ako mag waldas ng pa sweldo niya sa akin baka masapatos nya ako,kaya wag kayong ingay ha! hehe) kasi madalas akong nag papanik buying pagdating sa sapatos,tapos hindi naman pala bagay o hindi naman kaya masakit sa paa o hindi naman ala lang hindi ko pala sya tayp.Sa akin naman, bakit pa manghihiyang na alam mo naman,magpaparami lamang ito ng alikabok sa gilid ng bahay,dahil hindi mo naman ito gagamitin.Nang hihinayang  din ako sa pera kaya nga hanggat maari,iniiwasan ko na lang,bumili.Lalo na ngayon,nag resesyon ang mundo.Sa nasabi ko sa itaas mahilig ako magtapon lalo na kung hindi na ginagamit bukod sa ka isa isang sapatos na ito na nasa ibaba ang hindi ko matapon tapon.Ang dahilan? dahil ito ang una sapatos nabili ko sa aking ka una unahang sahod sa aking trabaho sa Istanbul at syempre pa,maraming alaala ang sapatos na yan!mga galak at kasawian sa aking naging buhay sa labas ng bansa. *tulo luha* naks! kaya hayan,maski nag iinit na ulo ko sa sapatos na yan,hindi ko pa rin matapon tapon.  

357867383.jpg

wawang modelo muntik ng nagka pulmonya! hehe Si seb yan,btw

Heto naman sa ibaba ay aking dalaginding na si ally,hilig mang angkin ng tsinelas!lol Inasam asam ko na pagdating ni summer,makahinga ulet aking mga daliri sa paa!Kung nakakapagsalita lamang sila ngayon,palagay ko ako’y nagka insomia na! sa lamig ba naman dito buong araw akong nag memedyas! wawang mga daliri :D

357867300.jpg

Categories: Litratong Pinoy Tags:
  1. March 30th, 2009 at 02:00 | #1

    uy kaibigan naman tayo di ba? baka pede mo na din itapon dito sa aking banda ang mga shoeses na di mo na type

  2. March 30th, 2009 at 06:52 | #2

    Chechay, miss ko baby Seb!!!

    bakit nga ba masakit sa paa ang shape ng slingback na ganyan? I almost bought a pair but luckily I remember that I’ve bad experience w/ it in the past, ayun, d ko binili kahit anong ganda pa nya!!

    ay oh, wiser na ba ako, ibig sabihin nuon? ha ha!

  3. March 30th, 2009 at 17:10 | #3

    Hi cheh, taga appenweier ako sa black forest, cute naman ng pink na esprit na sinelas, favorite brand ko yan, ich wünsche dir einen schönen tag. cool mom

  4. April 2nd, 2009 at 13:24 | #4

    cute ni seb diha no i posted a new entry for LP bday

  1. No trackbacks yet.