September 27th, 2009
cheh

photo source: AF
Parang gustong sumabog puso ko ng makita ko ang larawang ito.Marami sa ating kababayan na apektuhan ng alang pakundangan ondoy!Sa awa naman ng diyos,ala akong nabalitaang na apektuhan sa aming pamilya sa Maynila.Bagamat marami sa aking kakilalang kablogkadahan na apektuhan nito tulad ni kengkay at iba pa. Kung nais nyong tumulong pumunta lamang kayo sa barriosiete ngayon din.Maraming salamat.
September 26th, 2009
cheh
Blocked daw yung aking pinaka- e kubo kaya daw hindi ito magapanggapang ng mga alagad ni gurgel.Ano na namang kalokohan ito. Paano ba gawin sa mga ito para matigil na ang karantaduhan ginagawa nila sa mga blagers gusto magpipikong tulad kow hehe.Iilang centimo lang makikita mo sa kanila,tamang pambili lang ng babulgam kung sila lang pag tsagaan mo! Grrr.talaga! Nahahayblad ako!! taho!! haha
September 23rd, 2009
cheh

Kaway kaway mga ka LP! Musta ang lahat? Ilang buwang bakasyon galore din ang aking ginawa kaya naman inaagiw na at naging malaki tuloy aking linisin dito ngayon sa aking mga e kubo kubo.Segi bakasyon ka pa! haha
Heto opisyal na ito,ito na ang magiging e-bahay ng aking mga tagalog bla bla.Medyo multi -lingual nga lang,dahil ang may ari ng blag na ito kung hindi ka masyadong interesado ha!hehe ay isang Manilenyang bisdak,lol. Tapos,lagi pa akong tulog ng pilipino class ko kaya magpaparamdam na ako sa inyo,halo haloan ko rin ito ng kaunting english. Lam nyo na? pwede sumimblay aking brain na utak paminsan minsan at nakakalimutan kung alin at ano ibig sabihin ng mga iilang salita sa Tagalog.Mahilig ka rin ba sa palengke tulad ko? So palengkera/o ka rin? hehe.Heto ang topic sa linggong ito ng Litratong Pinoy.Palengke! Masangsang na amoy ata ang aking na miss sa ating mga palengke sa Pinas dahil ang masangsang na amoy na yan ang wala dito sa alemanya.Ewan ko lang,pwede rin mali ako kasi hindi pa ako nakapunta kung meyron man ng palengke tulad sa atin dito sa alemanya.Mga open market ang uso dito.Madalas na benta ay mga gulay,keso(amoy kilikili,lol),iba ibang klase ng soriso at syempre pa iba ibang hugis nila haha o ano,saan na napunta imahinasyon ninyo? lol Pede ring tumawad tulad sa atin. Naalala ko tuloy yung tiyahin kong Cebuana,nagbakasyon sa Maynila at tumira sa amin ng ilang linggo.Isinama ko sa palengke ang sabi ba naman doon, Ali, patawarin nyo naman ako! segi na! hahaha sabi ko,tiya wag hingi tawad jan sa ali ,ala kang kasalaanan!lol
Heto nga pala kuha pa ito noong Taglagas-2004 ang megapixel pa ata ng kamera gamit ko eh 4.0

FleaMarket sa Hanau (lugar malapit sa Frankfurt)

Kung gutom,heto ang iilan pwedeng mapagpilian kainin.Sarap ng sausage nila!Pramis!abaw na curious hahaha

Nakikita nyo yung kalabasa,sarap gataan ano? hehe

Sapong piraso tatlong oyro ang presyo!Wag ka ng tumawad mura na yan!:)
September 21st, 2009
cheh
Nakaka inis hindi ko na tuloy alam kung aling aking uunahin,pagpapalit ba ng balat ng e-bahay ko o pag bla bloghop muna o mag update kaya muna ako!Asusme!!Heto napapala sa aking paghihilik ng ilang buwan.Andaming agiw agiw sa aking mga e bahays!Hirap pala mag imis imis kung alang walis :).La, mga komentong dapat ilata (obyos bang spam ?lol) aking tinutukoy. Bizit tatlong libo mga komentong na halos laman ay pagpalaki ng kung ano anu! Ano ba! tantanan ako!! hahaha
Ola hola lang muna aking drama sa post kong ito.Isip pa ako kung paano ko isaayos aking mga sched sa pag bla blag.Ummm,keylangan may disiplina na ek(kunwari lang,hehe) kung hindi,hindi na naman ako magkakaoras makahilod nito,lol Kaway kaway sa lahat! Maligayang pagbabalik sisa (kausap ko sarili) hahaha