Litratong Pinoy: Palengke
Kaway kaway mga ka LP! Musta ang lahat? Ilang buwang bakasyon galore din ang aking ginawa kaya naman inaagiw na at naging malaki tuloy aking linisin dito ngayon sa aking mga e kubo kubo.Segi bakasyon ka pa! haha
Heto opisyal na ito,ito na ang magiging e-bahay ng aking mga tagalog bla bla.Medyo multi -lingual nga lang,dahil ang may ari ng blag na ito kung hindi ka masyadong interesado ha!hehe ay isang Manilenyang bisdak,lol. Tapos,lagi pa akong tulog ng pilipino class ko kaya magpaparamdam na ako sa inyo,halo haloan ko rin ito ng kaunting english. Lam nyo na? pwede sumimblay aking brain na utak paminsan minsan at nakakalimutan kung alin at ano ibig sabihin ng mga iilang salita sa Tagalog.Mahilig ka rin ba sa palengke tulad ko? So palengkera/o ka rin? hehe.Heto ang topic sa linggong ito ng Litratong Pinoy.Palengke! Masangsang na amoy ata ang aking na miss sa ating mga palengke sa Pinas dahil ang masangsang na amoy na yan ang wala dito sa alemanya.Ewan ko lang,pwede rin mali ako kasi hindi pa ako nakapunta kung meyron man ng palengke tulad sa atin dito sa alemanya.Mga open market ang uso dito.Madalas na benta ay mga gulay,keso(amoy kilikili,lol),iba ibang klase ng soriso at syempre pa iba ibang hugis nila haha o ano,saan na napunta imahinasyon ninyo? lol Pede ring tumawad tulad sa atin. Naalala ko tuloy yung tiyahin kong Cebuana,nagbakasyon sa Maynila at tumira sa amin ng ilang linggo.Isinama ko sa palengke ang sabi ba naman doon, Ali, patawarin nyo naman ako! segi na! hahaha sabi ko,tiya wag hingi tawad jan sa ali ,ala kang kasalaanan!lol
Heto nga pala kuha pa ito noong Taglagas-2004 ang megapixel pa ata ng kamera gamit ko eh 4.0

FleaMarket sa Hanau (lugar malapit sa Frankfurt)
Kung gutom,heto ang iilan pwedeng mapagpilian kainin.Sarap ng sausage nila!Pramis!abaw na curious hahaha
Nakikita nyo yung kalabasa,sarap gataan ano? hehe
Sapong piraso tatlong oyro ang presyo!Wag ka ng tumawad mura na yan!:)




miss ko na ang Germany!!!
rhads, balik ka na dali!! hehe
natawa naman ako sa kwento mo about your auntie. tiya ko namang Ilongga, tanong sa tindera sa palengke ng Guadalupe, “Magkano ang manik nyo?” ‘kala e, manik ang tagalog ng manok! lol
hahaha o nga! kala siguro ng aling tindera typos lang
Hi Luna,salamat sa pagdaan:)
wow franks !!! at ang sarap nung lutuan nila, nakakainganyong bumili
sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Jay,salamat!