Hayskul barkada at iba pa…
Nakakatuwa naman,andami na sa mga naging classmates at batchmates ko noong High School aking na i add sa facebook.Nakaka eksayt silang lahat tingnan.Marami pa rin sa kanila na parang kahapon lang ako nag tapos ng hayskul.Mga hindi nagbago itsura nila as in mga lovely pa rin at hindi mo makikinitaan ng mga ringkols hehe Medyo tampo lang ako sa iilan at hindi man lang marunong mag si hi at hello.Ilang minuto lang naman ang mawawala sa iyo kung gawin mo ito di ba? pero bakit mas parang mas naisin pa nyang magbabad sa pag aararo at pagluluto sa pissbuk kaysa makipag chikahan sa iyo.Hala kasalaanan iyan ng pissbuk! nakaka piss nga hehe o baka naman talagang ganito na rin siguro ang mga tumatanda,kulang na sa interes sa pakikipag salamuha sa kapwa.Masyado naman ako mareklamo eh di mag araro di kaya ako hehehe