Archive

Author Archive

Litratong Pinoy: sapatos

March 29th, 2009 cheh 4 comments

lp.png

Kumusta mga kapatid? sensyahan nyo na at ngayon lang ulet ako nakakuha ng oras mag sulat dito sa aking e-kubo kubo.Nag bizi bizihan naman! :) Heto nga pala ang aking lahok sa linggong ito,medyo humabol sa temang sapatos.Paboritong tema ng mga babae! aminin:) Mahilig ako sa sapatos at mahilig rin akong bumili at mahilig rin ako mamigay,alang biro! Pag hindi ko na gusto,inaalok ko ito sa mga kamag anakan o hindi naman kaya sa kaibigan.Noong una,nag alangan pa ako mang alok sa kaibigan pero noong nalaman nila na ugali ko na magtapon,pagsabihan ko raw muna sila bago pabigla bigla,sayang daw! (kapag nalaman ng asawa ko ito na ganito ako mag waldas ng pa sweldo niya sa akin baka masapatos nya ako,kaya wag kayong ingay ha! hehe) kasi madalas akong nag papanik buying pagdating sa sapatos,tapos hindi naman pala bagay o hindi naman kaya masakit sa paa o hindi naman ala lang hindi ko pala sya tayp.Sa akin naman, bakit pa manghihiyang na alam mo naman,magpaparami lamang ito ng alikabok sa gilid ng bahay,dahil hindi mo naman ito gagamitin.Nang hihinayang  din ako sa pera kaya nga hanggat maari,iniiwasan ko na lang,bumili.Lalo na ngayon,nag resesyon ang mundo.Sa nasabi ko sa itaas mahilig ako magtapon lalo na kung hindi na ginagamit bukod sa ka isa isang sapatos na ito na nasa ibaba ang hindi ko matapon tapon.Ang dahilan? dahil ito ang una sapatos nabili ko sa aking ka una unahang sahod sa aking trabaho sa Istanbul at syempre pa,maraming alaala ang sapatos na yan!mga galak at kasawian sa aking naging buhay sa labas ng bansa. *tulo luha* naks! kaya hayan,maski nag iinit na ulo ko sa sapatos na yan,hindi ko pa rin matapon tapon.  

357867383.jpg

wawang modelo muntik ng nagka pulmonya! hehe Si seb yan,btw

Heto naman sa ibaba ay aking dalaginding na si ally,hilig mang angkin ng tsinelas!lol Inasam asam ko na pagdating ni summer,makahinga ulet aking mga daliri sa paa!Kung nakakapagsalita lamang sila ngayon,palagay ko ako’y nagka insomia na! sa lamig ba naman dito buong araw akong nag memedyas! wawang mga daliri :D

357867300.jpg

Categories: Litratong Pinoy Tags:

Winnenden

March 12th, 2009 cheh 2 comments

Siguro na balitaan nyo na yung kahimbal himbal na nangyari sa eskwelahan ng Winnenden na ang 17 taong gulang na binatilyo pinagpapatay ang mga estudyante sa dati nyang eskwelahan.

Si papa kuto taga Stuttgart at malapit lang itong lugar na ito sa bahay ng aking biyanan.Lahat nagulantang sa balitang ito,sino naman kasi makapag sabi na sang normal na bata ang gagawa ng ganyan,sinisisi nila ang mga magulang ng bata, sa pagpapabaya daw,baka daw kasi kulang sa atensyon ang bata.Kagabi ito ang naging tema ng aming usapan ni papa kuto.Marami daw sa mga kaibigan nya at kaklase sa Unibersidad nakatira sa Winnenden. Ang kwento pa ni mister na ang Winnenden daw ay lugar na parang Mandaluyong sa atin,kasi may malaking ospital o klinik ito sa mga baliw,pag nag bibiroan daw,madalas yung sasabihin na.Dapat pumunta ka na sa Winnenden.Parang sa atin sa Pinas,dapat sa iyo sa Mandaluyong!lol

Hindi pa rin nila masasagot kung ano ang motibo at bakit halos lahat ng pinatay eh mga babae.Abangan na lang natin ang resulta ng imbistigasyon tungkol sa motibo.

Categories: Alemanya Tags:

Inang

March 8th, 2009 cheh 2 comments

m_4.jpg

Categories: Ala Lang, Gitik gitik Tags:

German Idol?

March 8th, 2009 cheh 3 comments

Oh my! oh my! nanonood ka niyan? ang toopid toopid ng show na yan! ang idyot idyot ni Bohlen.Ewwwww! ewww! yan po sabi ng aking alimangong asawa kagabi habang ako’y namamalantsa ng mga damit nya habang sya naman eh tumititig sa kanyang laptop,ala akong ideya kung ano pinag ka bibizihan nya sa kanyang laptop baka mga yung babaing tatlo tatlo suso,lol.Maski medyo may kalayuan sya,naririnig nya kung ano ang palabas sa tv maski hindi nya ito nakikita.Inaasar nya ako,kesyo ang bobo daw ng show,kesyo toopid daw at untalented naman mga kandidato.Nagbibiro lang sya sympre at nang aasar! sabi ko lumipat sya sa may hallway o kusina o hindi naman kaya punta sya sa kuarto.Abaw! ayaw naman umalis! sadyang nang aasar lang! Grrr! Sabi ko,may half pinoy na kasali.Tumahimik,sabi lang kawawang bata! hahaha Kala kasi nya ganun pa rin ang siste ng DSDS tulad noong 2003 ata yun na may pinay pumasok sa top 10 na juiceme ha!alang boses! este hindi naman sintonado kaso parang ako sya kung kumanta,magaling galing pa nga ata ako nyahaha seksi at iba ang dating ng beauty nya kaya naboboto ng tao. Yung kaibigan ko pa sa Istanbul ang nagbigay ng tip na may pinay daw na kasali sa german idol,panoorin ko raw! kaya na curious kami ni long nose.Doon sya nag karoon ng impresyon sa konsepto ng palabas! ang toopid daw! Bahala sya basta manonood ako hahaha Noong narinig nya kumanta si Marc at yung ibang magagaling kagabi,napa tango ang alimango hehe

anyways highways heto yung vid ng half pinoy na si Marc. Paki klik nyo ito o!

Categories: Alemanya, Pinoy, Sari Sari Tags:

Nag bizi bizihan ka na naman?

March 8th, 2009 cheh 2 comments

Lam ko,maski hindi nyo sabihin,nagsawa na kayo sa aking drama na kesyo bizi si moi here & there,na kesyo may sakit mga kuto,na kesyo dami dami kong lisa kumakati sa aking ulo at kung ano anu ek ekyuses sa hindi pag blag.Bat ba? bat ba ako guilty? lol

Pero teka,ano nga bang pinag ka bizi bizihan ko bukod sa mga kuto these days? ala naman masyado bukod sa paghahanda ko ng mga gamit na ibebenta ko sa ukay ukay ng mga bata. Dito kasi alemanya nauuso yang ganyang ukay ukay,bukod yung petsa para sa mga bata syempre,minsan pinagsasabay na rin.Pede kang mag benta ng mga laruan,damit,mga libro at kung anu ano pang mga anik anik na pede pakikinabangan ng iba.Dito sa aming baryo, ang nag papakana yung mayor mismo.Ibibigay mo yung gamit sa kanila,tapos sila na yung magbebenta may 10% sila sa kita.Ganitong resesyones ang planeta,dapat mag tipid at wag magtapon.Mga ilang taon din akong nagtatapon ng gamit ng mga bata na naka tambay lang sa basement,yung iba naibigay sa mga kaibigan,yung iba na pa balikbayan box.Ngayon taong to,magbebenta ako.Ang bigayan ng gamit ay  sa martes na, sa miyerkoles naman yung ukay ukay (flohmarkt) mismo tapos gets mo na yung moolah sa huwebes.Maski papaano hindi ako masyadong magagastosan,kung mamili man ako, ng bagong second hand? hehe Plano ko ngang mag benta rin sa ebay.Pinag isipan ko pa,layo kasi ng post office dito. Haay ala ng arte arte sa panahong ito! nag didilim ekonomiya kaya pwede ba ha! paki baba kilay! hehe

Categories: Alemanya, Buhay Buhay Tags:

Plastik,Planggana at iba pa!

March 6th, 2009 cheh 5 comments

germanys_next_topmodel_22_tessa_303_404_prosieben___oliver_s.jpg

photo source

Ang plastik mo! Hindi ka totoo!Sobra at ang OA OA mo! yan ang sabi ng mga juror ng Germany’s Next Top Model na sina Heidi,Peyman at Rolf kay Tessa(sa itaas)isa sa mga kandita.Ay syempre pa,napaiyak ang Tessa! at napangiti naman ako hahaha 

Naisip ko lang,kung tayo nga kaya pagsabihan na ang plastik plastik mo!fake fake mo!Ang planggana mo!hindi ka totoo! Yung harap harapan ba! siguro mapapaiyak din ako o hindi naman kaya magagalit sa taong magsasabi nito!Palagay mo, ano iyong magiging reaksyon?Magagalit o maiiyak? Marami akong naging kakilala at yung iba naging kaibigan ko pa,na ka plastik plastik ba!plastik na tupperware pa! hehe Hindi mo pa alam, galit na pala sa iyo! tapos sasaksakin ka pa patalikod.May tao ring hilig hilig mag sinungaling,yung ginagawang tanga ang kausap!Nakakairita! Pero syempre,ayaw nating lahat makipag away at kasamaan ng loob kaya pinapalagpas na lamang natin ang mga ganito.Pero ano nga kaya kung tayong lahat eh, pranka at magpakatotoo!? Mananatili kayang kaibigan ang kaibigan? Pwede bang maging pranka tayo na walang samaan ng loob? Yung tipong masasabi natin ang lahat,ating hinanakit at opinyon? Palagay mo? hindi kasi ako mapalagay :)

Categories: Ala Lang Tags:

litratong Pinoy 14: Bag

March 5th, 2009 cheh 13 comments

Photobucket

Heto ang aking lahok sa linggong ito.Marami na pala akong napalampas na magagandang tema sa LP pero syempre pa ang temang bag hindi palalampasin,tulad ng karamihan isa sa mga paborito kong item sa loob ng aking aparador ay ang bag.Ika nga sa kasabihan,di bale na raw na alang sapatos basta may bag ayos! ay gawa gawa ko lang yan hahaha

May kinunan akong mga bag kanina mula sa aking koleksyones na pekeng LV at gucci,lol Sa takot kong masampahan ng kaso hehe heto na lamang ang bag ng aking dalaginding na dalawang taon ang aking lahok.Bagong bili ng papa nya yang bitbit nya pang kindergarten.Sa setyembre pa nya ito magagamit pero bitbit bitbit nya na ito buong araw,pag tulog na sya tsaka namin kinukuha ang bag.Tinalo ang ina!Mahilig din sa bag at dinadala pa kasamang matulog hehehe

lp.png

Categories: Bagay Bagay, Litratong Pinoy Tags:

Marc Jentzen

March 5th, 2009 cheh 3 comments

Sino siya?Kalahating pinoy at aleman.Ang nanay nya ay Pilipina.Ipinanganak noong Augusto 21,1987 sa Bonn.Noong dalawang taon palang si Marc ay naghiwalay ang kanyang mga magulang at noong kailangan umuwi ang kanyang ina sa Pinas para mag alaga ng nanay nitong may sakit,napunta si Marc sa “Bahay Ampunan” (Kinderheim)

Nasabing namana ni Marc ang boses ng kanyang nanay na si Florencia na naturang singer din daw noong mga dekada otsenta.Paki panood ang vid na ang link nasa ibaba,baka mamukhaan nyo nanay ni Marc.Hindi ko kasi matandaan.

m_df3a67304caa466f9cbe5e6ee4886b1e.jpg Si Marc ay isa sa mga paborito ni Dieter Bohlen,namumunong juror sa taonang DSDS o Deutschland Sucht Den Superstar,katumbas ito ng Philippine Idol or American Idol.Si Marc ay isa sa mga napasama sa top 10 ng DSDS na palabas tuwing sabado ng gabi sa RTL channel.Abangan nyo ito kabayan!Heto pala video noong nakaraang sabado tungkol kay Marc Jentzen.Paki-klik lang ito

Categories: Alemanya, Buhay Buhay Tags:

Tuloy kayo!

March 4th, 2009 cheh 8 comments

Welkam ang lahat sa aking bagong e kweba na dinidikit ko sa mga ka apo apoahan ni balagtas at bonifacio.Ika nga ni reyna,itaguyod ang samahan ng mga jologs at mga uhugin hahaha Jologs at uhugin daw kasi ang mga nagtatagalog Ganun?Matagal ko ng pinaplano ang tagalog blog,na inspire ako kay K at kengkay eh, naks! :)  Nagkaroon ako dati kaso nasama sa intriga kaya nilibing ko muna sya sa limot.Iba kasi dating sa tenga pag ako’y nagtatagalog nawawala ang katas ng pagiging marya.Sabi nga ni bespren J,garapal daw ako magtagalog,ganyan ata mga manilenyang cebuana,ang tigas managalog hehehe.Iklian ko lamang ito at maliligo pa ako habang tulog ang mga kuto :) Welkam kayong lahat,sensyahan nyo na,ala pa yung inorder kong silya, sa sahig lang muna ang kapehan ha? hehe

Categories: Ala Lang Tags: