Nakakawalang gana
Kailan lang nagkita kami ulet ng aking kaibigan na hindi ko kalahi pagkatapos din na ilang buwang hindi pagkikita.Maski nakatira kami sa iisang baryo.Ganyan ang mainam dito sa bansa ng mga alimango naka eskidyul lahat.Pag hindi patok ang mga eskidyul nyo ayos lang din sa kausap.Hindi kasi tulad ng pinoy,mahirap makatanggi di ba? Yang kaibigan ko natukoy ko sa itaas medyo may ugali gusto ata araw araw kami magkita dahil na rin sa mga bata,para mag laro mga chikiting namin.Ang problema nagsasawa na ako sa mga itsura namin errr,mali pala medyo na stress ako sa pagkikita ng madalas.Syempre pag dito sa bahay kailangan medyo maglinis at maayos ang lahat dahil may bisita nga! Nakaka stress lang.Okey na rin ako dito kasi maski paano ayos syang ka chikahan. Ka level baga hehe Ang problema medyo dominante ang bruha.Laging gusto magkikita kami at gusto pa nyang mangyari mag babysitan kami ng mga chikiting namin.Palitan baga.Sabi ko,hindi ako kumporme dito dahil may tatlo ako at kung aalis sila sa gabi at idagdag yung dalawa nyang anak.Over na! Hindi na lang sya kumuha ng babysitter! Kainis nagkukurips pa hehe. Last namin pagkikita na imbierna ang bruha sa akin.Kasi ganito naka eskidyul na magkikita kami sa palaruan ng mga bata ng alas tres.Umu o ako dahil hindi namin ako busy sa araw na yun.Umaga kaming nag usap tapos may call akong natanggap galing sa aking friend na gusto magbigay abuloy doon sa aming pinay friend sabi nya gusto nyang pumunta dito sa bahay kaso hapon lang sya available.Umuo ako doon sa friend ko kasi may trabaho yun at laging busy,bihira lang ang pagkakataon na magkita kami at para na rin doon sa pera na ipapadala namin para sa friend namin namatayan ng nanay.Ang puting mataas ilong tinawagan ko sabi ko hindi ko siguradong makapunta kasi may hinihintay akong tao dahil doon sa pera.Naikwento ko na rin ang problema.Sabi ko hahabol ako pero hindi ako sigurado. Mag alas tres ko syang tinawagan paalis na sya papunta doon sa palaruan ng mga bata.Sabi ba naman,ok lang daw tapos sabay bagsak telepono.Hah? hindi ako maka get sa reaksyon nya samantalang halos araw araw naman kaming nagkikita.Bat hindi nya maintindi yun.Tumaas kilay ko day! pero andoon din aking pag alala kaya tinawagan ko yung friend ko at sabi ko ako na lang pupunta sa kanya pagkatapos kong magpunta sa palaruan.Sabi ko baka medyo late na! Pagkatapos ng pag uusap namin ni kaibigan ko,nag bike ako na may trailer kasama ko mga chikiting syempre papuntang palaruan.Kainis alang taas ilong doon,sabi ko hahabol ako bat wala sya!Pinuntahan ko sya sa bahay nya kala ko hindi na lang natuloy dahil wala kami.Hmpt! sabi ng asawa nasa may lawa daw kaso hindi nya alam kung aling lawa pumunta.Dalawa kasi ang lawa dito.Hmpt! kainis pero feel ko rin na nainis ang taas ilong sa akin.Hindi ko nga tinawagan ng ilang linggo.Pero naisip ko rin ganyan ang mga oyropyan,pag eskidyul eskidyul so fine! cultural differences hahaha nakunsensya ako na lang ang tumawag.Tapos sabi nga sa akin na pissbuk este piss daw sya sa akin dahil sa nangyari ,yung tatlong taong gulang nyang anak na disappointed daw dahil hindi nakita yung dalaga kong tatlong taon din.Huh? May ganyan ba sa diksyonaryo ng mga tatlong taon gulang.Disappointed? Eh bigyan mo lang ng lolipop ang mga yan ayos na! so hindi ko sya ma getsing inday as in! Naiinarte sya as in! Nawalan ako ng gana so tuwing tatawag sya magkikita lagi na ako may armas ng mga pagdadahilan err,pagsisinungaling pala hehe kung hindi may sakit ako,may pupuntang tao o hindi naman kaya may appointment kunwari sa doktor.Lahat nasabi ko ng dahilan hanggang umabot na sa dalawang buwan hindi pagkikita.Tapos kailan lang,yung sang kaibigan namin na hindi rin kalahi,tuwawag sa akin gusto raw nya magkipagkita sa akin,na miss daw ako naks!
So sabi ko agad shore sa kanya,maya maya may tumawag yung bruha nasa linya.Sabi gusto raw nyang pumunta din.Inibenta sarili hehehe Sabi ko syempre shore!! amoy plastik ako hahaha
So yun,nagpuntahan silang dalawa chika chika dito chika chika doon.May dala pang bulaklak ang bruha,yung pinamahal pa susmarya! nakonsensya tuloy ako! pero sasabihin ko sa inyo ang totoo ang ganitong kaibigan ay nakakasakal at nakakawalang gana!

