Siguro na balitaan nyo na yung kahimbal himbal na nangyari sa eskwelahan ng Winnenden na ang 17 taong gulang na binatilyo pinagpapatay ang mga estudyante sa dati nyang eskwelahan.
Si papa kuto taga Stuttgart at malapit lang itong lugar na ito sa bahay ng aking biyanan.Lahat nagulantang sa balitang ito,sino naman kasi makapag sabi na sang normal na bata ang gagawa ng ganyan,sinisisi nila ang mga magulang ng bata, sa pagpapabaya daw,baka daw kasi kulang sa atensyon ang bata.Kagabi ito ang naging tema ng aming usapan ni papa kuto.Marami daw sa mga kaibigan nya at kaklase sa Unibersidad nakatira sa Winnenden. Ang kwento pa ni mister na ang Winnenden daw ay lugar na parang Mandaluyong sa atin,kasi may malaking ospital o klinik ito sa mga baliw,pag nag bibiroan daw,madalas yung sasabihin na.Dapat pumunta ka na sa Winnenden.Parang sa atin sa Pinas,dapat sa iyo sa Mandaluyong!lol
Hindi pa rin nila masasagot kung ano ang motibo at bakit halos lahat ng pinatay eh mga babae.Abangan na lang natin ang resulta ng imbistigasyon tungkol sa motibo.
Oh my! oh my! nanonood ka niyan? ang toopid toopid ng show na yan! ang idyot idyot ni Bohlen.Ewwwww! ewww! yan po sabi ng aking alimangong asawa kagabi habang ako’y namamalantsa ng mga damit nya habang sya naman eh tumititig sa kanyang laptop,ala akong ideya kung ano pinag ka bibizihan nya sa kanyang laptop baka mga yung babaing tatlo tatlo suso,lol.Maski medyo may kalayuan sya,naririnig nya kung ano ang palabas sa tv maski hindi nya ito nakikita.Inaasar nya ako,kesyo ang bobo daw ng show,kesyo toopid daw at untalented naman mga kandidato.Nagbibiro lang sya sympre at nang aasar! sabi ko lumipat sya sa may hallway o kusina o hindi naman kaya punta sya sa kuarto.Abaw! ayaw naman umalis! sadyang nang aasar lang! Grrr! Sabi ko,may half pinoy na kasali.Tumahimik,sabi lang kawawang bata! hahaha Kala kasi nya ganun pa rin ang siste ng DSDS tulad noong 2003 ata yun na may pinay pumasok sa top 10 na juiceme ha!alang boses! este hindi naman sintonado kaso parang ako sya kung kumanta,magaling galing pa nga ata ako nyahaha seksi at iba ang dating ng beauty nya kaya naboboto ng tao. Yung kaibigan ko pa sa Istanbul ang nagbigay ng tip na may pinay daw na kasali sa german idol,panoorin ko raw! kaya na curious kami ni long nose.Doon sya nag karoon ng impresyon sa konsepto ng palabas! ang toopid daw! Bahala sya basta manonood ako hahaha Noong narinig nya kumanta si Marc at yung ibang magagaling kagabi,napa tango ang alimango hehe
anyways highways heto yung vid ng half pinoy na si Marc. Paki klik nyo ito o!
Lam ko,maski hindi nyo sabihin,nagsawa na kayo sa aking drama na kesyo bizi si moi here & there,na kesyo may sakit mga kuto,na kesyo dami dami kong lisa kumakati sa aking ulo at kung ano anu ek ekyuses sa hindi pag blag.Bat ba? bat ba ako guilty? lol
Pero teka,ano nga bang pinag ka bizi bizihan ko bukod sa mga kuto these days? ala naman masyado bukod sa paghahanda ko ng mga gamit na ibebenta ko sa ukay ukay ng mga bata. Dito kasi alemanya nauuso yang ganyang ukay ukay,bukod yung petsa para sa mga bata syempre,minsan pinagsasabay na rin.Pede kang mag benta ng mga laruan,damit,mga libro at kung anu ano pang mga anik anik na pede pakikinabangan ng iba.Dito sa aming baryo, ang nag papakana yung mayor mismo.Ibibigay mo yung gamit sa kanila,tapos sila na yung magbebenta may 10% sila sa kita.Ganitong resesyones ang planeta,dapat mag tipid at wag magtapon.Mga ilang taon din akong nagtatapon ng gamit ng mga bata na naka tambay lang sa basement,yung iba naibigay sa mga kaibigan,yung iba na pa balikbayan box.Ngayon taong to,magbebenta ako.Ang bigayan ng gamit ay sa martes na, sa miyerkoles naman yung ukay ukay (flohmarkt) mismo tapos gets mo na yung moolah sa huwebes.Maski papaano hindi ako masyadong magagastosan,kung mamili man ako, ng bagong second hand? hehe Plano ko ngang mag benta rin sa ebay.Pinag isipan ko pa,layo kasi ng post office dito. Haay ala ng arte arte sa panahong ito! nag didilim ekonomiya kaya pwede ba ha! paki baba kilay! hehe
Sino siya?Kalahating pinoy at aleman.Ang nanay nya ay Pilipina.Ipinanganak noong Augusto 21,1987 sa Bonn.Noong dalawang taon palang si Marc ay naghiwalay ang kanyang mga magulang at noong kailangan umuwi ang kanyang ina sa Pinas para mag alaga ng nanay nitong may sakit,napunta si Marc sa “Bahay Ampunan” (Kinderheim)
Nasabing namana ni Marc ang boses ng kanyang nanay na si Florencia na naturang singer din daw noong mga dekada otsenta.Paki panood ang vid na ang link nasa ibaba,baka mamukhaan nyo nanay ni Marc.Hindi ko kasi matandaan.
Si Marc ay isa sa mga paborito ni Dieter Bohlen,namumunong juror sa taonang DSDS o Deutschland Sucht Den Superstar,katumbas ito ng Philippine Idol or American Idol.Si Marc ay isa sa mga napasama sa top 10 ng DSDS na palabas tuwing sabado ng gabi sa RTL channel.Abangan nyo ito kabayan!Heto pala video noong nakaraang sabado tungkol kay Marc Jentzen.Paki-klik lang ito!