Naks! inspire na naman ako mag post dito sa aking tagalog chienes
Mustamos kapatid? Nagkakatamaran na mag blog talaga! lol Bakit andaming mga blogs inaagiw na!anong nangyayari sa mga blaggers? Uhm,kasalanan lahat ito ni gugel!hehe kung hindi nila pinagtatanggal ang mga PR,hindi sana nawalan ng mga raket ,kung anjan pa rin sana mga raket eh di sana tuloy tuloy pa rin ligaya.O baka naman ilusyones at guni guni ko lang ito dahil marami pa rin naman mga active. O mga bago ang mga ito sa blog? haay whatevah,basta ako sumasayad utak ko sa aking pagiging bwizi kaya sensya na matagal tagal rin akong de quatro sa sulok at hindi nag bla blag.
September 21st, 2009
cheh
Nakaka inis hindi ko na tuloy alam kung aling aking uunahin,pagpapalit ba ng balat ng e-bahay ko o pag bla bloghop muna o mag update kaya muna ako!Asusme!!Heto napapala sa aking paghihilik ng ilang buwan.Andaming agiw agiw sa aking mga e bahays!Hirap pala mag imis imis kung alang walis :).La, mga komentong dapat ilata (obyos bang spam ?lol) aking tinutukoy. Bizit tatlong libo mga komentong na halos laman ay pagpalaki ng kung ano anu! Ano ba! tantanan ako!! hahaha
Ola hola lang muna aking drama sa post kong ito.Isip pa ako kung paano ko isaayos aking mga sched sa pag bla blag.Ummm,keylangan may disiplina na ek(kunwari lang,hehe) kung hindi,hindi na naman ako magkakaoras makahilod nito,lol Kaway kaway sa lahat! Maligayang pagbabalik sisa (kausap ko sarili) hahaha

Heto ang aking lahok sa linggong ito.Marami na pala akong napalampas na magagandang tema sa LP pero syempre pa ang temang bag hindi palalampasin,tulad ng karamihan isa sa mga paborito kong item sa loob ng aking aparador ay ang bag.Ika nga sa kasabihan,di bale na raw na alang sapatos basta may bag ayos! ay gawa gawa ko lang yan hahaha
May kinunan akong mga bag kanina mula sa aking koleksyones na pekeng LV at gucci,lol Sa takot kong masampahan ng kaso hehe heto na lamang ang bag ng aking dalaginding na dalawang taon ang aking lahok.Bagong bili ng papa nya yang bitbit nya pang kindergarten.Sa setyembre pa nya ito magagamit pero bitbit bitbit nya na ito buong araw,pag tulog na sya tsaka namin kinukuha ang bag.Tinalo ang ina!Mahilig din sa bag at dinadala pa kasamang matulog hehehe
