Litratong Pinoy:Linis
Panahon na naman ng tag lagas dito sa alemanya kaya purwesyo na naman mga dahon nakakalat sa lansangan.Buti na lang,anjan si mamang kalbo taga pag vacuum ng mga ito. :)Maligayang huwebes mga kababayan!
Panahon na naman ng tag lagas dito sa alemanya kaya purwesyo na naman mga dahon nakakalat sa lansangan.Buti na lang,anjan si mamang kalbo taga pag vacuum ng mga ito. :)Maligayang huwebes mga kababayan!
Kaway kaway mga ka LP! Musta ang lahat? Ilang buwang bakasyon galore din ang aking ginawa kaya naman inaagiw na at naging malaki tuloy aking linisin dito ngayon sa aking mga e kubo kubo.Segi bakasyon ka pa! haha
Heto opisyal na ito,ito na ang magiging e-bahay ng aking mga tagalog bla bla.Medyo multi -lingual nga lang,dahil ang may ari ng blag na ito kung hindi ka masyadong interesado ha!hehe ay isang Manilenyang bisdak,lol. Tapos,lagi pa akong tulog ng pilipino class ko kaya magpaparamdam na ako sa inyo,halo haloan ko rin ito ng kaunting english. Lam nyo na? pwede sumimblay aking brain na utak paminsan minsan at nakakalimutan kung alin at ano ibig sabihin ng mga iilang salita sa Tagalog.Mahilig ka rin ba sa palengke tulad ko? So palengkera/o ka rin? hehe.Heto ang topic sa linggong ito ng Litratong Pinoy.Palengke! Masangsang na amoy ata ang aking na miss sa ating mga palengke sa Pinas dahil ang masangsang na amoy na yan ang wala dito sa alemanya.Ewan ko lang,pwede rin mali ako kasi hindi pa ako nakapunta kung meyron man ng palengke tulad sa atin dito sa alemanya.Mga open market ang uso dito.Madalas na benta ay mga gulay,keso(amoy kilikili,lol),iba ibang klase ng soriso at syempre pa iba ibang hugis nila haha o ano,saan na napunta imahinasyon ninyo? lol Pede ring tumawad tulad sa atin. Naalala ko tuloy yung tiyahin kong Cebuana,nagbakasyon sa Maynila at tumira sa amin ng ilang linggo.Isinama ko sa palengke ang sabi ba naman doon, Ali, patawarin nyo naman ako! segi na! hahaha sabi ko,tiya wag hingi tawad jan sa ali ,ala kang kasalaanan!lol
Heto nga pala kuha pa ito noong Taglagas-2004 ang megapixel pa ata ng kamera gamit ko eh 4.0

FleaMarket sa Hanau (lugar malapit sa Frankfurt)
Kung gutom,heto ang iilan pwedeng mapagpilian kainin.Sarap ng sausage nila!Pramis!abaw na curious hahaha
Nakikita nyo yung kalabasa,sarap gataan ano? hehe
Sapong piraso tatlong oyro ang presyo!Wag ka ng tumawad mura na yan!:)
Kumusta mga kapatid? sensyahan nyo na at ngayon lang ulet ako nakakuha ng oras mag sulat dito sa aking e-kubo kubo.Nag bizi bizihan naman!
Heto nga pala ang aking lahok sa linggong ito,medyo humabol sa temang sapatos.Paboritong tema ng mga babae! aminin:) Mahilig ako sa sapatos at mahilig rin akong bumili at mahilig rin ako mamigay,alang biro! Pag hindi ko na gusto,inaalok ko ito sa mga kamag anakan o hindi naman kaya sa kaibigan.Noong una,nag alangan pa ako mang alok sa kaibigan pero noong nalaman nila na ugali ko na magtapon,pagsabihan ko raw muna sila bago pabigla bigla,sayang daw! (kapag nalaman ng asawa ko ito na ganito ako mag waldas ng pa sweldo niya sa akin baka masapatos nya ako,kaya wag kayong ingay ha! hehe) kasi madalas akong nag papanik buying pagdating sa sapatos,tapos hindi naman pala bagay o hindi naman kaya masakit sa paa o hindi naman ala lang hindi ko pala sya tayp.Sa akin naman, bakit pa manghihiyang na alam mo naman,magpaparami lamang ito ng alikabok sa gilid ng bahay,dahil hindi mo naman ito gagamitin.Nang hihinayang din ako sa pera kaya nga hanggat maari,iniiwasan ko na lang,bumili.Lalo na ngayon,nag resesyon ang mundo.Sa nasabi ko sa itaas mahilig ako magtapon lalo na kung hindi na ginagamit bukod sa ka isa isang sapatos na ito na nasa ibaba ang hindi ko matapon tapon.Ang dahilan? dahil ito ang una sapatos nabili ko sa aking ka una unahang sahod sa aking trabaho sa Istanbul at syempre pa,maraming alaala ang sapatos na yan!mga galak at kasawian sa aking naging buhay sa labas ng bansa. *tulo luha* naks! kaya hayan,maski nag iinit na ulo ko sa sapatos na yan,hindi ko pa rin matapon tapon.
wawang modelo muntik ng nagka pulmonya! hehe Si seb yan,btw
Heto naman sa ibaba ay aking dalaginding na si ally,hilig mang angkin ng tsinelas!lol Inasam asam ko na pagdating ni summer,makahinga ulet aking mga daliri sa paa!Kung nakakapagsalita lamang sila ngayon,palagay ko ako’y nagka insomia na! sa lamig ba naman dito buong araw akong nag memedyas! wawang mga daliri
Heto ang aking lahok sa linggong ito.Marami na pala akong napalampas na magagandang tema sa LP pero syempre pa ang temang bag hindi palalampasin,tulad ng karamihan isa sa mga paborito kong item sa loob ng aking aparador ay ang bag.Ika nga sa kasabihan,di bale na raw na alang sapatos basta may bag ayos! ay gawa gawa ko lang yan hahaha
May kinunan akong mga bag kanina mula sa aking koleksyones na pekeng LV at gucci,lol Sa takot kong masampahan ng kaso hehe heto na lamang ang bag ng aking dalaginding na dalawang taon ang aking lahok.Bagong bili ng papa nya yang bitbit nya pang kindergarten.Sa setyembre pa nya ito magagamit pero bitbit bitbit nya na ito buong araw,pag tulog na sya tsaka namin kinukuha ang bag.Tinalo ang ina!Mahilig din sa bag at dinadala pa kasamang matulog hehehe